NEWS
  • 09 May, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

Barangay Orientation for the 2024 Census of Population and Community-Based Monitoring System (POPCEN-CBMS).

May 9, 2024

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeno!

Malugod pong kinatawan ng inyong Sectoral Section Kalayaan Laguna ang Tanggapan ng Punongbayan upang ipa-abot ang kanyang mensahe ng pakikiisa at pagsuporta sa isinagawang Barangay Orientation for the 2024 Census of Population and Community-Based Monitoring System (POPCEN-CBMS).

Ang programang ito ng pangongolekta, pag-poproseso at pag-validate ng mga datos ay napakahalaga para sa pagbubuo ng mga programa at pagbibigay ng mga de-kalidad na serbisyong nagpapaunlad sa antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan. Katuwang po ng Tanggapan ng Punongbayan sa programang ito ang Philippine Statistics Authority (PSA) at MPDO sa pamumuno ni Engr. Juvy Ragas at mga kasama.

Patuloy po ang ating pasasalamat sa butihing Mayor Sandy P. Laganapan, sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher P. Ramiro at sa ating Pambayang Administrador Bb. Kris Anne Laganapan-Pesigan sa palagiang pagsuporta at paniniguro ng mga programaaat mga ayuda para sa ating mga kababayan.

Patuloy po kayong makakaasa sa mga serbisyong may tatak:

#SPL "SerbisyoParasaLahat"

#BayangMayDisiplinaSerbisyongMayMalasakit

#OneKalayaan