NEWS
  • 10 May, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"LEAGUE OF MUNICIPALITIES OF THE PHILIPPINES CLEAN-UP ACTIVITY"

Mayo 10, 2024

"LEAGUE OF MUNICIPALITIES OF THE PHILIPPINES CLEAN-UP ACTIVITY"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Maulan ngunit naging mainit ang naging supporta ng mga mamamayan ng Kalayaan sa ginanap na LMP Clean-up activity sa ating bayan ito ay sa pangunguna ng inyong Lingkod Mayor Sandy Laganapan katuwang ang Ating MDRRMO Gng. Reinelsa Barojabo Corpuz gayun din ang ating tatlong Barangay sa pangunguna ni ABC President Gng. Giana Maria Rabin Cagandahan kasama si Kgg. Kapitana Normita-Meng Asedillo at iba't ibang samahan sa ilalim ang ating Sectoral Section Kalayaan Laguna sa pangangasiwa ng ating Sectoral Officer/EA ll Angelito Presoris.

Bagama't hindi naging maganda ang lagay ng panahon hindi nagpatinag ang inyong lingkod upang upang matagumpay na maisagawa ang aktibidad na ito bilang tugon sa programa ng ating Panglalawigang Pamahalaan na maisaayos at mas mapaganda pa ang ating inang kalikasan.

Lubos ang aking pasasalamat sa mga masisipag at walang pagod na Kalayaeños sa pagsuporta sa aktibidad na ito upang mas malinis ang ating minamahal na Bayan ng Kalayaan.

Maraming salamat po!

#CleanCommunities

#KALINISANsaBagongPilipinas

#LMPLagunaChapter

#SPL Servisyo Para sa Lahat

#BayangMayDisiplinaSerbisyongMayMalasakit

#OneKalayaan