Lumban Logo
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time

“LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY BANTAYOG NG LAWA AWARD 2025”

October 13, 2025 - 11:22 AM

Oktubre 13, 2025
“LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY
BANTAYOG NG LAWA AWARD 2025”
Isang mapagpalang umaga,minamahal kong Kalayaeños!
Sa sipag at dedikasyon sa paglilingkuran at pagpapatupad ng mga programa ang Tanggapan ng Municipal Environment And Natural Resources Office sa pamumuno ni Reinelsa Barojabo Corpuz Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Dr. Liza Laitan Yee Municipal Planning And Development sa pamumuno ni Engr. Jobs Robina Ragas at sa lahat ng mga naging katuwang, ay tumanggap tayo ng pagkilala noong ika-10 ng Oktubre 2025 na ginanap sa Monet 1 and 2 Ballrooms, Novotel, Araneta City, Cubao, Quezon City.
Ang Karangalan na ating natanggap ay "BANTAYOG NG LAWA AWARD 2025” Isa lamang ang Bayan ng Kalayaan na mapapalad na naparangalan sa buong Lalawigan ng Laguna.
Taos pusong pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Vice-Mayor Christopher Ramiro at bumubuo ng Sangguniang Bayan Members at ng ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa Tanggapan ng Municipal Environment And Natural Resources, Municipal Agriculture Office at Municipal Planning and Development sa inyong natatanging kagalingan,kasipagan at dedikasyon para sa paglilingkuran.
Maraming salamat po.
"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"
#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

Back