Lumban Logo
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time

“Filipino Elderly Week Celebration 2025”

October 17, 2025 - 01:59 PM

Oktubre 17, 2025
“Filipino Elderly Week Celebration 2025”
Isang mapagpalang araw mga minamahal Kong Kalayaeños!
Noong Oktubre 10, 2025, sa pangunguna ng Inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members, sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan, matagumpay nating naipagdiwang ang Elderly Week upang bigyang halaga ang ating mga mahal na senior citizen—ang mga nagsisilbing pundasyon ng kaalaman, respeto, at karunungan sa ating komunidad.
Lubos ang aming pasasalamat sa MSWDO Aime Magana, katuwang ang OSCA sa pangunguna ng kanilang presidente na si Nanay Necitas Crisostomo Pabra, at ang kanilang masisipag na kasamahan, sa kanilang dedikasyon at pagsusumikap upang maging matagumpay ang selebrasyong ito.
Ang ating mga senior citizen ay hindi lamang gabay sa ating nakaraan ngunit sila rin ang nagtuturo sa bagong henerasyon ng tunay na kahalagahan ng *paggalang, pagkakaisa, at pagmamalasakit*. Sa kanilang mga aral, patuloy nilang pinapaalala sa atin ang mga halagang dapat ipamana sa mga susunod pang henerasyon.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagmamahal at gabay sa ating bayan. Mabuhay ang ating mga lolo at lola!
#SPL Serbisyo Para sa Lahat
“Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit”

Back