Lumban Logo
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time

"πŒπ€ππˆπ‹π€ ππ€π˜π€ππˆ 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒 𝐀𝐍𝐃 πˆππ‚π„ππ“πˆπ•π„π’ (πŒππ€πˆ) ππ€π“πˆπŽππ€π‹ π•π€π‹πˆπƒπ€π“πˆπŽπ"

October 21, 2025 - 11:35 AM

Oktubre 20, 2025
"πŒπ€ππˆπ‹π€ ππ€π˜π€ππˆ 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒 𝐀𝐍𝐃 πˆππ‚π„ππ“πˆπ•π„π’ (πŒππ€πˆ) ππ€π“πˆπŽππ€π‹ π•π€π‹πˆπƒπ€π“πˆπŽπ"
Isang mapagpalang araw, minamahal kong KalayaeΓ±os!
Kahapon ika-20 ng Oktubre 2025 ay nagkaroon ng MBAI National Validation. Layunin ng MBAI na kilalanin ang mga pamahalaang lokal na nagpapakita nang hindi matatawarang pagganap sa kanilang mandato at tungkulin sa ilalim ng mga batas pangkalikasan kaugnay sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
Ang bayan ng Kalayaan sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan katuwang ang Pangalawang Punong Bayan at Sangguniang Bayan Members, Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan, MLGOO Jennifer Z. Tolentino at sa tanggapan ng MENRO sa pamumuno ni Gng. Reinelsa Barojabo Corpuz at sa kanyang mga kasamahan. Maging sa mga naging presentor Gng. Jhermelyn Boado/Provincial Sanitation Inspector I para sa Liquid Waste Management at Gng. Nirma Fullo Segura Segura/Municipal Assessor - Focal Person ng Informal Settler.
Higit na pasasalamat sa bumubuo ng National Validation Team Ang mga miyembro nito ay mula sa mandamus agencies tulad ng DILG MBCRPP - Project Management Office, Department of Environment and Natural Resources, Department of Human Settlements and Urban Development, Metropolitan Manila Development Authority, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, National Housing Authority, at Department of Public Works and Highways.
Ang pagsunod ng nasabing Local Government Unit sa mga probisyon ng programa na naglalayong i-rehabilitate at mapanatili ang malinis na kondisyon ng Manila Bay.
Asahan po ninyo na patuloy nating paiigtingin ang mga hakbangin tungo sa mas malinis na kapaligiran ng bayan ng Kalayaan.
Maraming Salamat Po!
#spl "Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"


Back