Lumban Logo
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time

*"Puno ng Pag-asa: Pamamahagi ng Indigenous Fruit-Bearing Trees"*

October 22, 2025 - 12:44 PM

*"Puno ng Pag-asa: Pamamahagi ng Indigenous Fruit-Bearing Trees"*
Sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members, Sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan at sa tulong ng ating butihing Congressman Benjie Agarao, matagumpay nating naipamahagi ang mga indigenous fruit-bearing sa ating komunidad. Ang inisyatibong ito ay hindi lamang para sa kapakanan ng kalikasan kundi para rin sa ating kabuhayan at hinaharap.
Ang mga punong ito ay magsisilbing simbolo ng pagkakaisa, kasaganaan, at pangangalaga sa ating kalikasan. Bukod sa pagbibigay ng masustansyang bunga, ito rin ay makakatulong sa pagpapalago ng ating likas na yaman at sa laban kontra climate change.
Taos puso anting pasasalamat sa ating butihing Congressman Benjie Agarao sa kanyang walang sawang suporta at malasakit sa ating bayan. Sama-sama nating itaguyod ang mas luntiang kinabukasan
#SPL Serbisyo Para sa Lahat
“Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit”




Back