REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time
“PAGHAHANDA SA UNDAS 2025”
October 22, 2025 - 02:28 PM
Oktubre 22, 2025
“PAGHAHANDA SA UNDAS 2025”
Isang mapagpalang araw mga minamahal Kong Kalayaeños!
Sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro at gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan katuwang ang Sectoral Section Kalayaan Laguna at mga masisipag na samahan sa Barangay *San Antonio, Longos, at San Juan, matagumpay nating naisagawa ang malawakang paglilinis sa ating mga pangunahing sementeryo bilang paghahanda para sa darating na Undas 2025.
Kabilang sa mga samahan na nakiisa sa paglilinis na Ito ay Ang mga sumusunod:
Women’s Club ng San Antonio
Lady Farmers
One Laloma
PWD
SNML
Samahan ng Magbubukid
Samahan ng Mandaragat
Bantay Kalikasan
Red Ladies Association
Bagong Kababaihan
Purok 5 Farmers Magalolon
SKNP
San Juan Farmers Association
Zumba Friends
BLW
KAP-B
Bantay Kalikasan
Samahan ng Kababaihan ng Longos
One Neighborhood
Happy Home Owners
BLW
Ang gawaing ito ay patunay ng ating pagkakaisa at malasakit sa ating komunidad, upang masiguro ang kaayusan at kalinisan ng mga sementeryo na magsisilbing maaliwalas na lugar para sa paggunita at pagbibigay-pugay sa ating mga mahal sa buhay na pumanaw.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras at lakas. Sama-sama nating ipagpatuloy ang ganitong mga gawain bilang pagpapakita ng respeto at pagmamahal sa ating kapaligiran.
