REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time
“General Assembly ng Mayors for Good Governance"
October 29, 2025 - 09:44 AM
Oktubre 25, 2025
“General Assembly ng Mayors for Good Governance"
Isang mapagpalang araw mga minamahal Kong Kalayaeños
Sa pangunguna ng inyong lingkod, Mayor Sandy Laganapan, ako ay buong pusong dumalo sa General Assembly ng Mayors for Good Governance upang makiisa sa layunin ng pagpapalakas ng mahusay, tapat, at makataong pamamahala. Ang pagtitipon na ito ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang makibahagi sa mga diskusyon at palitan ng ideya na naglalayong itaas ang antas ng serbisyo-publiko para sa kapakanan ng ating mga nasasakupan.
Lubos ang aking kagalakan na maging bahagi ng isang kilusan na nakatuon sa integridad, pananagutan, at prinsipyo. Ang mga halagang ito ang nagsisilbing pundasyon ng mabuting pamamahala na naglalayong magbigay ng makabuluhang pagbabago sa ating mga komunidad. Ang aking pagsanib sa adbokasiyang ito ay hindi lamang isang personal na hangarin ito ay para sa Bayan ng Kalayaan, upang masiguro na ang ating bayan ay pinamumunuan nang may karangalan, katapatan, at malasakit sa bawat mamamayan.
Naniniwala akong ang pagkakaisa ng mga lider na may iisang layunin ay isang makapangyarihang pwersa sa pagsusulong ng progreso. Patuloy nating pagtibayin ang ating paninindigan para sa mabuting pamahalaan at sama-sama nating buuin ang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating bayan. Ang mabuting pamamahala ay nagmumula sa malinis na puso at tapat na serbisyo.
