REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time
"CANDYLAND HALLOWEEN: SWEET TREATS & SILLY TRICKS 2025"
October 31, 2025 - 11:03 AM
Oktubre 27, 2025
"CANDYLAND HALLOWEEN: SWEET TREATS & SILLY TRICKS 2025"
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (MSWDO) sa pangangasiwa ni Bb. Aime A. Magana at buong pusong pag suporta ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan Pangalawang Punong Bayan, Christopher Ramiro at Sangguniang Bayan Members at ng ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan at LCPC council, tayo po ay magkakaroon ng TRICK OR TREAT para sa ating mga bata. Ito po ay bukas sa lahat ng nais makiisa.
Maaari po kayong magsuot ng Candy Inspired Costume base sa inyong nais. Ito po ay gaganapin sa Myerkules, ika-29 ng Oktubre, 2025, simula ika-2:00 ng hapon. Maaari pong mag register sa Open Court ng San Juan sa ganap na ika-11:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali. Magsisimula po ang Judging sa ganap na ika-1:30 ng hapon.
At para naman po sa lahat ng departamento ng Pamahalaang Bayan, kayo po ay hinihikayat na makiisa sa pamamagitan ng pagsusuot ng headband, damit na may kaugnayan sa tema. Ang lahat din po ay kinakailangang mag candies at iba pang treats para sa mga batang pupunta.
Hangad ng Pamahalaang Bayan na mabigyang kasiyahan ang ating mga kabataan sa kabila ng ating mga nararanasang kalamidad.
Maraming salamat po at magkita-kita po tayo sa Oktubre 29, 2025! 


