Lumban Logo
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time

"LIBRENG GUPITAN SEASON 6”

November 5, 2025 - 12:00 PM

"ONGOING LIBRENG GUPITAN SEASON 6”
At San Antonio Kalayaan Laguna
Isang mapagpalang araw mga minamahal Kong Kalayaeños!
Sa pangunguna ng inyong lingkod, Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pamumuno ni Vice Mayor Christopher Ramiro, gayundin ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan Katuwang Ang ating MSWDO Aime Magana, MNAO Cecilia Flores, at kanilang mga kasamahan patuloy nating isinasagawa ang LIBRENG GUPITAN Season 6 para sa mga mag-aaral ng San Antonio Elementary School. Kasama ng libreng gupit, namahagi rin tayo ng hygiene kits at school supplies upang masiguro ang kalinisan at kahandaan ng ating mga kabataan sa kanilang pag-aaral. Kasabay nito, nagkaroon din ng LIBRENG feeding program upang magbigay ng masustansyang pagkain para sa kanilang kalusugan.
Ang programang ito, na atin nang nasimulan mula sa unang araw ng ating panunungkulan, ay patuloy nating isasagawa bilang bahagi ng ating malasakit sa bawat kabataang Kalayeño.
Nakaischedule na rin ang iba pang mga paaralan sa ating bayan upang maranasan ang parehong serbisyo sa mga susunod na araw.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa tagumpay ng programang ito. Sama-sama nating itaguyod ang kinabukasan ng ating kabataan-malusog, malinis, at masigla!
#SPL Serbisyo Para sa Lahat
“Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit”

Back