REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time
Turn-over ng Rice Post-Harvest Facilities mula sa DA Region IV-A
November 6, 2025 - 12:58 PM
November 06, 2025
Turn-over ng Rice Post-Harvest Facilities mula sa DA Region IV-A
Isang mapagpalang araw mga minamahal Kong Kalayaeños!
Sa pangunguna ng inyong lingkod, Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pamumuno ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan katuwang ang Municipal Agriculture Office (MAO) at sa patuloy na kasipagan at kagalingan ng ating Municipal Agriculturist Dr. Liza Laitan Yee at kanyang mga kasamahan, matagumpay nating natanggap ang Rice Post-Harvest Facilities mula sa Department of Agriculture Region IV-A sa ilalim ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Clustered Association na Bayan ng Kalayaan at dahil sa nabuong Cluster Development Plan ay MAs naging priority sila na mabigyan ng interventions ng Rice Program. Layunin ng F2C2 na maging negosyanteng magsasaka ang mga Farmers Association kung kaya’t patuloy Ang pagbibigay ng mga interventions na magpapataas ng ani ng mga magsasaka.
Ang proyektong ito ay isang mahalagang hakbang upang mapabuti ang post-harvest processes ng ating mga magsasaka, mabawasan ang pagkalugi, at mapataas ang kalidad ng ani. Ito ay patunay ng ating pagsusumikap na bigyan ng suporta at pagkilala ang sektor ng agrikultura, na siyang haligi ng ating ekonomiya at kabuhayan.
Maraming salamat sa DA Region IV-A at sa lahat ng naging katuwang sa programang ito. Sama-sama nating itaguyod ang mas maunlad at masaganang kinabukasan para sa ating mga magsasaka!
