REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time
PLANNING AND BUDGETING AND GAD RELATED LAWS (GAD)
November 24, 2025 - 11:33 AM
Nobyembre 24, 2025
PLANNING AND BUDGETING AND GAD RELATED LAWS (GAD)
November 19-21, 2025
Noong ika-19 hanggang 21 ng Nobyembre 2025, naging makabuluhan at malalim ang talakayan ng Planning and Budgeting and GAD Related Laws Dito ay dumalo ang buong pwersa ng ating lokal na pamahalaan ng Kalayaan Laguna sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Christopher Ramiro at mga Punong Departmento.
Layunin ng programang ito ay upang maging malawak ang kaisipan ng bawat dumalo ukol sa pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian at kaalaman tungkol sa Gender And Development (GAD).
Umaasa po ang inyong lingkod sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay mas magiging epektibo ang ating pamahalaan sa pagbibigay serbisyo para sa ating mga minamahal na Kalayaeños!
Pasasalamat sa ating GAD Focal Person Dr. Liza Laitan Yee Gayundin sa ating MLGOO Jennifer Z. Tolentino para sa pagbabahagi at pagpapaliwanag ukol sa nasabing programa.
Maraming salamat po.
