REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time
“PAGBISITA NI MAYOR JERRY PELAYO SA ATING PAMAHALAANG BAYAN”
November 26, 2025 - 12:44 PM
Nobyembre 26, 2025
“PAGBISITA NI MAYOR JERRY PELAYO SA ATING PAMAHALAANG BAYAN”
Isang mapagpalang araw mga minamahal kong Kalayaeños!
Sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Vice Mayor Christopher Ramiro, Sangguniang Bayan members, gayun din ang ating pambayang administrador Kris Anne Laganapan Pesigan at lahat ng pinunong Departamento ating mainit at makabuluhang tinananggap ang Chief of Staff ng ating mahal na Gobernador Hon. Sol Aragones, si Mayor Jerry Pelayo. Ang pakikipagdaupang palad na ito ay nagbigay-daan upang maipakita ang pagkakaisa at suporta ng bawat lider sa layuning isulong ang progreso ng ating komunidad.
Sa pagkakataong ito, inilahad ni Mayor Jerry Pelayo ang mga konkretong plano ng ating pamahalaang panlalawigan para sa pagpapaunlad hindi lamang ng ating bayan kundi ng buong Lalawigan ng Laguna. Ang kanyang mga panukala ay naglalayong tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan, kabilang na ang pagpapalakas ng ating industriya ng agrikultura, serbisyong pampubliko, at mga programang pangkabuhayan. Malinaw ang kanyang mensahe na ang pagbabago ay makakamit sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.
Ang ganitong uri ng pakikipag-daupang palad ay mahalaga upang higit pang mapagtibay ang koneksyon ng lokal na pamahalaan at liderato ng lalawigan. Sa tulong ng mga nakahanay na plano, tiyak na mas magiging matatag ang pundasyon ng pag-unlad sa ating bayan. Sama-sama nating abutin ang mas maliwanag na kinabukasan para sa Laguna!
Maraming Salamat po!
