REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time
FREE DENTAL MISSION
November 27, 2025 - 09:02 AM
Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!
Ang inyo pong lingkod Mayor Sandy Laganapan, kaagapay si Vice-Mayor Christopher Ramiro at Sangguniang Bayan Members, Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan ay lubos na nag papasalamat sa CBK Power Ltd. Co. Sa pag kakaloob dito sa aming bayan bilang isang Host community, ng free dental mission para sa 200 Kalayaeños, kasama na rin ang libreng gamot at libreng almusal para sa mga pasyente.
Maraming salamat din po sa pag aasikaso ng Rhu Kalayaan Laguna sa pamumuno ni Dr. Rica Abadier Paraiso-Pamatmat, sa free hot meals ng MNAO sa pamununo ni Gng. Cecilia Flores. Kay Kap. James Patrick Ramiro para sa pag papagamit ng Gymnasium at sa pag papahiram ng mga BHW para mag assist sa programang ito.
At maraming maraming salamat po kay Miss Maricris-Ann Alcausin Himoc na Community Relation Officer ng CBK sa kapaki pakinabang na proyektong ito para sa mamamayan ng Kalayaan.
Maraming salamat po!
#spl “Serbisyo Para sa Lahat”
“Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit”
