REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time
INTERNATIONAL DISABILITY MONTH CELEBRATION” CBK POWER COMPANY LIMITED
December 1, 2025 - 09:27 AM
“INTERNATIONAL DISABILITY MONTH CELEBRATION”
CBK POWER COMPANY LIMITED
Nitong nagdaang Biyernes ang LGU Kalayaan, sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Mayor Sandy Laganapan, katuwang si Vice Mayor Christopher Ramiro, mga Sangguniang Bayan Members, at ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan, ay taos pusong nagpahayag ng suporta sa pagdiriwang ng International Disability Month na isinagawa ng CBK Power Company Limited.
Hindi napigilan ng masamang panahon ang matagumpay na pagsasagawa ng Unity Walk kasama ang ating mga staff ng Mayor’s Office, MSWDO sa pangunguna ni MSWDO Aime Magana, MHO sa pangunguna ni Dr. Rica Abadier Paraiso-Pamatmat at MNAO sa pangunguna ni Gng. Cecilia Flores , ang paglakad na ito ay sumisimbolo ng ating pagkakaisa at suporta para sa mga kababayan nating may kapansanan. Matapos ito, ating tinanggap ang mga assistive devices mula sa CBK Power Company Limited, na tiyak na makatutulong upang mas mapadali at mapabuti ang kanilang araw-araw na pamumuhay.
Ang selebrasyong ito ay nagpapaalala sa ating lahat ng kahalagahan ng inklusyon, pagkakapantay-pantay, at pagbibigay-halaga sa bawat miyembro ng ating komunidad. Sama-sama nating itaguyod ang isang bayan kung saan lahat ay may pantay na oportunidad at suporta!
