REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time
“MAYORS FOR GOOD GOVERNANCE"
October 9, 2025 - 11:27 AM
OKTUBRE 8, 2025
“MAYORS FOR GOOD GOVERNANCE"
Bagamat hindi tayo umabot sa unang batch ng mga naging miyembro ng Mayors for Good Governance dahil sa kadahilanang hindi umabot ang ating aplikasyon sa itinakdang deadline, hindi tayo nawalan ng pag-asa kaya kahapon Oktubre 7, 2025 tayo ay nakatanggap ng Isang magandang anunsyo na ang inyong Lingkod Mayor Sandy Laganapan ay tuluyan ng napabilang sa ikalawang batch ng Mayors for Good Governance. isang hakbang tungo sa mas malalim na layunin ng paglilingkod na pinangunahan nina M4GG CONVENORS MAYOR BENJIE MAGALONG, MAYOR VICO SOTTO, MAYOR JOY BELMONTE, MAYOR SITTI HATAMAN.
Ang ating pakikiisa sa Mayors for Good Governance ay isang malaking hakbang sa ating pakikipagdigmaan para ipaglaban ang katotohanan, itaguyod ang pananagutan, at isulong ang mabuting pamahalaan. Ang pakikiisang ito ay ating paninindigan laban sa korapsyon at anumang uri ng pang aabuso na lumalapastangan sa ating mahal na Inang Bayan.
Naniniwala ang inyong lingkod na sa pagtutulungan ng mga katulad naming nasa posisyon at sa matibay na suporta ng bawat Pilipino, makakamit natin ang isang malinis, makatao,mapagkakatiwalaang pamahalaan at isang pamahalaang tunay na para sa bayan at mamamayan. Akin namang Taos pusong hinihikayat ang aking mga minamahal na Kalayaeños at sambayanang pilipino sa pakikiisa at pakikipaglabang ito. Katotohanan.
Pananagutan. Mabuting Pamahalaan. Sama-sama nating isulong ang mas maliwanag na kinabukasan!