REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time
1st PLACE MANILA BAYANI AWARDS AND INCENTIVES NATIONAL VALIDATION 2024
January 21, 2026 - 08:12 AM
“1st PLACE MANILA BAYANI AWARDS AND INCENTIVES NATIONAL VALIDATION 2024”
Isang mapagpalang araw mga minamahal kong Kalayaeños!
Taos-pusong pasasalamat at pagbati ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members, sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa ating bayan sa pagkapanalo bilang 1st PLACE sa Manila Bayani Awards and Incentives Validation 2024 National Level.
Matatandaan na ang Bayan ng Kalayaan ay nagwagi rin sa parehong patimpalak sa buong Rehiyon ng CALABARZON, na nagbigay daan sa atin upang makipagtunggali sa National Level. At sa ikatlong pagkakataon, patuloy nating pinatutunayan na ang ating bayan ay may malasakit at dedikasyon sa pangangalaga ng ating kalikasan.
Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa sama-samang pagsisikap ng ating mga opisyal, kawani, at mamamayan na patuloy na nagtutulungan para sa ikabubuti ng ating kapaligiran unang una na riyan ang ating mga focal person na sina MENRO Reinelsa Barojabo Corpuz, Municipal Assesor Nirma Fullo Segura, Probincial Sanitation Officer Jhermelyn Boado kasama ang mga bumubuo ng MBCU at MBTF gayun din sa ating MLGOO Jeni Zaide, Project Development Officer Rovi Ocdamia at sa ating mga masisipag na kawani ng pamahalaan. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa Bayan ng Kalayaan.
Patuloy nawa nating pangalagaan ang ating kalikasan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Sama-sama tayong magtulungan para sa isang mas malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran.
Maraming salamat po!