NEWS
  • 18 Oct, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

5th place sa 2020 CALABARZON Outstanding Local Civil Registry Office (Extra Small)

October 18,2021

Mapagpalang Araw, mga minamahal kong Kalayaeños!

Isang karangalan ang naigawad sa ating isang Local Civil Registry Office. Ang departamento ay nagawaran bilang 5th place sa 2020 CALABARZON Outstanding Local Civil Registry Office (Extra Small).

Ito ay iginawad noong Oktubre 15, 2021 sa 2021 Annual Meeting and General Assembly of CALABARZON Local Civil Registrar at PSA RSSO IV-A Lipa City.

Muli, isang pagbati mula sa kagalingan ng inyong departamento. Patuloy nawa nating ibigay ang kalidad na serbisyo na nararapat para sa ating mga minamahal na Kalayaeños. Mabuhay!

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan