NEWS
  • 12 Nov, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

Cong. Rodolfo 'Ompong' M. Ordanes, Representative-18th Congress. Kasama rin si Ms. Michelle Sastiado - Pneumococcal Vaccine for Senior Citizens

November 12, 2021

Magandang Araw mga minamahal kong Kalayaeños!

Nagagalak ang inyong lingkod, Mayor Sandy P. Laganapan sa pagdating ng 'Senior Citizen Partylist' dito sa ating bayan. Ito ay sa pangunguna ni Cong. Rodolfo 'Ompong' M. Ordanes, Representative-18th Congress. Kasama rin si Ms. Michelle Sastiado sa pagsasagawa nito.

Ngayong araw ay naghandog ng Pneumococcal Vaccine ang kanilang Partylist para sa ating mga Senior Citizens dito sa ating Bayan. Ito ay upang maging ligtas sila sa banta ng sakit na kaugnay nito.

Maraming maraming salamat po sa inyong handog at pagtulong sa aming mga Senior Citizen. Nawa ay mas marami pa po kayong maabot at matulungan.

Mabuhay po kayo at maraming salamat muli!

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#onekalayaankontracovid19