NEWS
  • 18 Aug, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

"DSWD FOOD FOR WORK PROGRAM"

Agosto 09,2023

"DSWD FOOD FOR WORK PROGRAM"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Sa dedikasyon ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Christopher Ramiro , katuwang ang Mswdo Kalayaan Laguna sa pamumuno ni Gng. Aime Magana at ng Sectoral Section Kalayaan Laguna ay matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng family food packages sa 500 benepisyaryo ng DSWD Food for Work program.

Layunin ng programang ito ang mapaghandaan at maiwasan ang negatibong epekto ng mga kalamidad gaya ng bagyo, pag guho ng lupa at pag-baha sa pamamagitan ng paglilinis ng mga kalsada, daluyan ng tubig at mga ilog sa nasasakupan ng ating bayan.

Taos puso tayong nagpapasalamat sa DSWD Regional Office partikular kina Dr. Chua, Ma'am Gatchalian, Ma'am Ranchy at FFW focal Sir Jessie na mga naging daan upang mapagkalooban ang ating mga kababayan ng family food package.Gayundin sa lahat ng naging katuwang upang maisakatuparan ang programang ito.

Muli,maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan