NEWS
  • 29 Oct, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

ELDERLY FILIPINO WEEK

October 29, 2021

ELDERLY FILIPINO WEEK MahALAGA ang Lolo at Lola ngayong pandemya. Mapagpalang araw mga minamahal kong Kalayaeños! Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 'Elderly Filipino Week', ang inyong lingkod kasama ng buong Tanggapan ng Punong Bayan sa pangunguna ni Admin Kris Anne Laganapan Pesigan ay nagsagawa ng 'FREE PNEUMOCOCCAL AND FLU VACCINE' na pinangunahan ng Rhu Kalayaan Laguna sa pamamagitan ni Dra. Rica Paraiso Pamatmat para sa ating mga kababayang Kalayaeños na nasa kanilang senior ages. Ito ay upang matulungan sila na magkaroon ng proteksyong pangkalusugan. Lubos ang aming pasasalamat sa lahat na nakiisa sa programang inilahad ng ating Pamahalaang Bayan. Ang aming higit na hangad ay kabutihan at dagdag na kagandahan ng kalusugan ng ating mga senior citizens. Mabuhay kayong lahat! Maraming Salamat po! #SPL"Serbisyo Para sa Lahat" "Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit" #OneKalayaan