NEWS
  • 19 Oct, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

Free Range Chicken sa samahan ng AGAP Entrepreneurship

October 19,2021

Mapagpalang Araw, mga minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong Araw ay naganap ang distribusyon para sa Pag-aalaga ng mga Free Range Chicken sa samahan ng AGAP Entrepreneurship. Ang mga manok na ipinamigay ay maaaring magamit sa pangkabuhayan ng ating mga kababayang Kalayaeño. Ito ay ipinamahagi sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Mayor Sandy P. Laganapan at ng Tanggapan ng Punong Bayan na kinatawan ng ating Tourism Operations Officer II, Mr. Herben C. Dela Paz.

Ito ay naisakatuparan sa pangangasiwa ng ating Pambayang Agrikultor, Liza Laitan Yee. Sa tulong rin ng ating Meat Inspector III, Mr. Sol V. Madrazo at ng lahat ng bumubuo ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor.

Nawa ang lahat ng nakatanggap ng mga Free Range Chicken na ito ay maging matagumpay at magkaroon ng bagong pagkakakitaan. Mabuhay!

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan