NEWS
  • 26 Jan, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"LIBRENG FLU VACCINES AT MEDICAL CHECK UP"

January 22, 2024

"LIBRENG FLU VACCINES AT MEDICAL CHECK UP"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Noong ika-20 ng Enero araw ng Sabado ay ginanap ang Libreng Flu Vaccination at medical check-up para sa 700 beneficiaries ng Bayan ng Kalayaan. Ito ay handog ng ating butihing Congresswoman Jam Agarao.

Ang pagbibigay ng bakuna laban sa trangkaso ay lubos na napakahalaga upang makatulong na hindi magkasakit, hindi lumala, maiwasan ang pagpapaospital at maprotektahan ang mga vulnerable groups katulad ng mga senior citezens mula sa pagkakasakit.

Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Kalayaan sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan katuwang ang Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice-Mayor Christopher Ramiro sa lahat ng mga doktor,nurse at mga naging volunteer na naging bahagi ng programa ito.

Maraming salamat po.

#AgaraoNeverStops

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan