LIVELIHOOD TRAINING ON BAGS AND HANDICRAFTS PRODUCTION
Hulyo 29, 2023
LIVELIHOOD TRAINING ON BAGS AND HANDICRAFTS PRODUCTION
Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!
Matagumpay na naisakatuparan ang programa na naglalayon mabigyan kaalaman at mapaunlad ang kakayahan ng ating mga kababayan na maaring magamit sa pagnenegosyo. Katuwang ang inyong Sectoral Section Kalayaan Laguna sa pamumuno ni Sectoral Officer Angelito Presoris ang isang Livelihood Training on Bags and Handicrafts Production para sa ating mga kabarangay na nabibilang sa sektor ng Persons with Disabilities (PWD's).
Ito ay alinsunod sa pagdiriwang ng "National Disability Prevention and Rehabilitation Week" kung saan ay kinikilala ang mga karapatan ng isang may kapansanan sa maayos na pamumuhay, sapat na pagkain, damit, tirahan at sa mga programa ng pamahalaan na tumutulong na maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
Patuloy ang pagsuporta ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Christopher Ramiro sa mga programa na talaga namang kapaki-pakinabang para sa mamayan at bayang ng Kalayaan.
Muli,maraming salamat.
#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Makasakit"
#OneKalayaan