NEWS
  • 24 Nov, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

MAYOR SANDY'S PROGRAMANG LIBRENG GUPITAN at Oral and Hygiene Kit Distribution

November 22, 2021

MAYOR SANDY'S PROGRAMANG LIBRENG GUPITAN at Oral and Hygiene Kit Distribution

para sa pakikiisa sa “National Children's Month Celebration" na mat tema na “New Normal na: Walang Iwanan Karapatan Ng Bawat Bata Ating Tutukan.”

Isang mapagpalang araw mga minamahal kong Kalayaeños!

Kahapon po ay nagsimula na ang ating taunang libreng gupitan para sa ating mga kabataan sa elementarya. Ang programang ito ay nagsimula noong nanungkulan po ang inyong lingkod. Dahil ako ay naniniwala na mas maganda at gwapo ang ating mga anak kung sila ay well-groomed katulad ng pagkakaroon ng malinis na gupit ng buhok.

Tayo po ay nakatapos na ng ating libreng gupitan sa San Juan Central School at ngayon ay sa San Antonio Elementary School. Narito ang schedule para bukas,

Brgy. San Antonio (Sitio Kalayaan)

Date: Nobyembre 24, 2021

Venue: Agarao Gymnasium

Time: 9:00am - 5:00pm

Nawa ang simpleng programang ito ay nakapagbigay kasiyahan sa inyo mga minamahal naming mag-aaral.

Maraming Salamat po at ingat po ang lahat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan