SITIO KALAYAAN ELEMENTARY SCHOOL "Serbisyong Pangkagalingan Panlipunan" at Serbisyong Pangkalusugan" LIBRENG GUPITAN (Season 5)
Nobyembre 22, 2024
ONGOING
SITIO KALAYAAN ELEMENTARY SCHOOL
"Serbisyong Pangkagalingan Panlipunan" at Serbisyong Pangkalusugan"
LIBRENG GUPITAN (Season 5)
Libreng School Supplies
Feeding Program
National Children's Month Celebration
"Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines"
"Ang araw na ito ay patunay lang ng ating pagkakaisa,pagmamalasakit at mas lalo na sa kapakanan ng ating mga kabataang mag-aaral ng Bayan ng Kalayaan.
Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!
Sa pagpapatuloy ng Libreng Gupitan nagsimula muli ang pagbabalik ng programa ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan Laganapan,kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice- Mayor Christopher Ramiro ang SPL Libreng Gupitan 2024 (Season 5)
Ang pag-papahalaga sa bawat bata ay pagpapahalaga sa ating kinabukasan kung kaya't ang inyong lingkod ay patuloy na binibigyang pansin ang mga kabataan,lalo na ang mga mag aaral upang matiyak ang ang kaunlaran, kaayusan at kagalingan ng bawat isa sa ating hinaharap.
Nawa sa munting programang ito ay nakapagdala kami ng mga ngiti sa inyong mga labi at galak sa inyong mga puso mag-aaral sa elementarya sa ating mga paaralan ng Bayan ng Kalayaan. Umasa po kayo na hindi dito natatapos ang programang ito. Patuloy tayong mag-iisip,gagawa at magpapatupad ng mga aktibidad para sa ating mga kabataang Kalayaeños.
Muli't Muli ang aking taos pusong pasasalamat sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa pangunguna ng programang ito,MSWDO Aime Magana,MNAO Cecilia Flores, sa ating DepEd Supervisor Dr.Flora Bhel Manalo, punong guro, guro at sa lahat ng naging kabahagi ng programang ito.
Maraming salamat po!
#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disilina,Serbisyong may Malasakit"