NEWS
  • 29 Oct, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

'Supplementary Feeding Program'

October 29, 2021

Isang mapagpalang araw, mga minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw ay nagkaroon ng distribusyon patungkol sa 'Supplementary Feeding Program' na pinondohan ng DSWD Region IV-A. Ang mga benepisyaryo ng programang ito ay ang mga Daycare Children (600 benepisyaryo) ng tatlong barangay ng ating Bayan ng Kalayaan.

Ang Supervised Neighborhood Play ay magsisimula sa ika-1 ng Nobyembre hanggang sa ika- 30 ng Disyembre 2021 (2 meals/ day)

Pasasalamat sa ating Tanggapan ng MSWDO sa pangunguna ng ating OIC, Gng. Lilian Laganas. Gayundin sa ating Sectoral Officer, Mr. Angelito Q. Presoris sa pakikipagtulungan dito. Isa ring pasasalamat sa ating Pambayang Administrador, Admin Kris Anne Laganapan sa pakikiisa at ang inyo pong lingkod, Mayor Sandy P. Laganapan.

Ang lahat po ng programang ating isinasagawa ay para sa ikabubuti ng ating mga kababayang Kalayaeños. Maraming Salamat at mabuhay!

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan