"100.8 MW KALAYAAN 2 WIND POWER PROJECT GROUND BREAKING CEREMONY"
Nobyembre 15, 2024
"100.8 MW KALAYAAN 2 WIND POWER PROJECT GROUND BREAKING CEREMONY"
Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!
Sa patuloy na pag sulong ng malinis na renewable energy nitong nag daang Nobyembre 13, 2024 dumalo ang inyong Lingkod Mayor Sandy Laganapan, kasama ang ating EA-II/Sectoral Officer Angelito Presoris sa ground breaking ceremony ng itatayong 100.8 MW KALAYAAN 2 WIND POWER PROJECT sa ating Bayan na inaasahang maghahatid ng 100 MW na Clean and Renewable Energy sa Taong 2026. Kasama sa mga dumalo sa programang ito sina The Blue Circle Pte CEO Mr. Olivier Duguet, Undersecretary of COE Hon. Rowena Cristina Guevarra, Director lll, Investments Assistance Services Mr. Ernesto C. Delos Reyes Jr. at 4th District Representative Cong. Maria Jamina Katherine Agarao.
Malaki ang tiwala ng Inyong Lingkod Mayor Sandy P. Laganapan, Sangguniang Bayan Member sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan na magbubukas ito ng bagong landas patungo sa mas malinis at mas maunlad na Kalayaan.
Maraming Salamat po!
#SPL Serbisyo Para sa Lahat
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"