"LINGGUHANG PAG TATAAS NG WATAWAT"
Nobyembre 11, 2024
"LINGGUHANG PAG TATAAS NG WATAWAT"
Isang mapagpalang araw minamahal kong Kalayaeños!
Bagamat makulimlim ang panahon ating sinimulan ang lunes na ito sa isang mahalagang seremonya na pinamunuan ng Rhu Kalayaan Laguna sa pangangasiwa ni Dra. Rica Abadier Paraiso-Pamatmat katuwang ang kanyang mga kasamahan.
Matapos ang seremonya pinangunahan ng Inyong Lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan kasama din ang ating MSWDO sa pangangasiwa ni Bb. Aime Magana ang pagpapakita ng supporta at pakikiisa sa National Children's Month 2024. Sabay sabay na sinambit ng bawat halal na opisyal kasama ang mga empleyado ang "PANATANG MAKABATA" matapos nito nilagdaan din ng ating mga opisyal ang ipinaskil na tarpaulin upang ipakita ang kanilang suporta sa pag diriwang na ito.
Nawa ay mas mapangalagaan natin ang ating mga bata na syang magiging binhi para sa mas maganda at mas maunlad na Bayan ng Kalayaan.
Maraming salamat po!
#SPL Serbisyo Para sa Lahat
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"