𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐁𝐀𝐘 𝐃𝐀𝐘 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 "𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭" 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐄𝐍𝐓𝐑𝐘 𝐅𝐎𝐑 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐈𝐍𝐂𝐄𝐍𝐓𝐈𝐕𝐄𝐒 (𝐌𝐁𝐀𝐈)
Disyembre 9, 2024
𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐁𝐀𝐘 𝐃𝐀𝐘 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘
"𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭"
𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐄𝐍𝐓𝐑𝐘 𝐅𝐎𝐑 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐈𝐍𝐂𝐄𝐍𝐓𝐈𝐕𝐄𝐒 (𝐌𝐁𝐀𝐈)
Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!
Kasabay ng malakas na buhos ng ulan bumuhos din ang mga pagpapala at parangal na natanggap ng ating bayan dahil sa kagalingan at dedikasyon ng mga nanunungkulan at mga kawani ng ating pamahalaan.
Noong ika-2 ng Disyembre 2024 ay nagkaroon ng Regional Awarding Ceremony sa Lipa City ang mga natatanging municipalidad at syudad sa CALABARZON. Bilang pagtugon at pagganap natin sa mandato at tungkulin sa ilalim ng mga batas pangkalikasan kaugnay sa Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program. Kaya naman tayo po ay kinilala at pinagkalooban ng Platinum Award (1st place) na may 99.70% average rating bilang isang Top Performing Municipalidad sa lalawigan ng Laguna.
Ang Bayan ng Kalayaan sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan katuwang ang pangalawang Punong Bayan Christopher Ramiro at Sangguniang Bayan Members, Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan, MLGOO Robles Abejon Ma Aurora at sa tanggapan ng MENRO sa pamumuno ni Gng. Reinelsa Barojabo Corpuz at sa kanyang mga kasamahan. Maging sa lahat ng bumubuo ng Manila Bay Task Force at sa tatlong focal person:l; Gng. Jhermelyn Boado/Provincial Sanitation Inspector I para sa Liquid Waste Management at Gng. Nirma Fullo Segura/Municipal Assessor - Focal Person ng Informal Settler Families. Lubos din ang pasasalamat sa tatlong barangay, Barangay San Juan, Barangay San Antonio at Barangay Longos. Maging sa mga paaralan at sa ibang samahan na aming nakatuwang.
Asahan po ninyo na patuloy nating pag-iigtingin ang mga hakbang tungo sa mas malinis na kapaligiran dito sa Bayan ng Kalayaan. Disiplina at malasakit ang siyang tanging kailangan para sa ikakatagumpay ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program. Hindi lang para sa ngayon, lalo't higit sa susunod na henerasyon
Maraming Salamat Po!
#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"