NEWS
  • 10 Dec, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

paggawad ng pondong nagkakahalagang Php 345,000.00 sa Samahan ng Mangingisda ng San Antonio mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)

December 09, 2024

Isang mapagpalang hapon,minamahal kong Kalayaeños!

Sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Pangalawang Punong-Bayan Christopher Ramiro at bumubuo ng Sannguniang Bayan Members, Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan ay ginanap ngayong araw ang pormal na paggawad ng pondong nagkakahalagang Php 345,000.00 sa Samahan ng Mangingisda ng San Antonio mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP). Layunin ng programa na mabibigyan ng puhunan ang ating mangingisda, mapalago ito at mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay.

Kasabay din nito ang isang Post Harvest Technology, Tilapia Culture and Financial Literacy Training para sa mga benipisyaryo ng programa. Kaagapay din po ng inyong lingkod sa mga gawaing ito ay ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Gng Aime Magana, Municipal Agriculture Office (MAO) sa pangunguna ni Dr. Liza Laitan Yee at ang Sectoral Section Kalayaan Laguna sa pamumuno ni Angelito Presoris.

Muli,maraming salamat po.

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasik"

#OneKalayaan