NEWS
  • 29 Jun, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

LGBTQ 2023 PRIDE MONTH "Sama-samang Pagkilos Lahat Aangat"

June 29,2023

LGBTQ 2023 PRIDE MONTH

"Sama-samang Pagkilos Lahat Aangat"

Isang mapagpalang umaga,minamahal kong Kalayaeños!

Kaugnay ng ating pakikiisa sa komunidad ng LGBTQIA+ (Lesbian,Gay,Bisexual,Transgender,Queer,Intersex at Asexual+) at pagdiriwang ng Pride Month ay naghandog tayo ng mga programa para sa ating mga kababayang parte ng LGBTQ+.

Sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan katuwang ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro ay sama-sama nating isulong ang isang Bayang nagbibigay ng pantay-pantay na karapatan at pagtingin sa mga miyembro ng LGBTQ+ community.

Nawa ipagpatuloy natin ang laban kontra diskriminasyon at makapagbigay ng karampatang oportunidad para sa lahat. Alang-alang sa pagmamahal sa ating mga kababayan at sa Bayan ng Kalayaan,maghandog ng patas na "SERBISYONG MAY MALASAKIT" na paglilingkod para sa lahat.

Lubos ang aking pasasalamat sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan na siyang nanguna para maisakatuparan ang mga ganitong programa.Gayundin sa ating Sectoral Section Kalayaan Laguna Sectoral Officer Angelito Presoris GAD Focal Person Mrs. Liza Laitan Yee Rhu Kalayaan Laguna Edelane Ratac Acueza at kanyang mga kasamahan.Sa mga naging speakers para sa HIV Awareness,Mental Health Awareness,Gender and Sensitivity Seminar;

👊Ñino Lito Jake S. Briones

👊Jeanela Marie P.Urizza

👊Wesly Villanueva

Gayundin sa ating Federated President LGBTQ+Kalayaan Roldan Bautista, MDRRMO Kalayaan,LGU Boys Marshalls at sa lahat ng naging kabahagi ng ganitong programa.

HAPPY PRIDE MONTH!

Maraming salamat.

#SPL"Serbiso Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan