NEWS
  • 30 Jan, 2025
  • BY: KALAYAAN LGU

"LIBRENG FLU VACCINES AT MEDICAL CHECK UP"

January 27, 2025

"LIBRENG FLU VACCINES AT MEDICAL CHECK UP"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Noong ika-25 ng Enero araw ng Sabado ay ginanap ang Libreng Flu Vaccination at medical check-up para sa ating mga kababayang mga Kalayaeños . Ito ay handog ng ating butihing Congresswoman Jam Agarao.

Ang pagbibigay ng bakuna laban sa trangkaso ay lubos na napakahalaga upang makatulong na hindi magkasakit, hindi lumala, maiwasan ang pagpapaospital at maprotektahan ang mga vulnerable groups katulad ng mga senior citizens mula sa pagkakasakit.

Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Kalayaan sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan katuwang ang Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice-Mayor Christopher Ramiro Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa lahat ng mga doctors,nurses at mga naging volunteers na naging bahagi ng programa ito.

Maraming salamat po.

#AgaraoNeverStops

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan