NEWS
  • 30 Jan, 2025
  • BY: KALAYAAN LGU

“PAGGAGAWAD NG PONDO SA MGA SAMAHAN NA BENEPISYARYO NG SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAM”

Enero 27, 2025

Isang mapagpalang hapon,minamahal kong Kalayaeños!

“PAGGAGAWAD NG PONDO SA MGA SAMAHAN NA BENEPISYARYO NG SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAM”

Sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Pangalawang Punong-Bayan Christopher Ramiro at bumubuo ng Sangguniang Bayan Members, gayun din Ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan katuwang ang tanggapan ng Mswdo Kalayaan Laguna sa pangangasiwa ni Bb. Aime Magana, kasama din si PDO II -SLP Laguna Analeyn Sampang de Jesus ay pormal ng iginawad sa mga samahan na benipisyaryo ng programang Sustainable Livelihood Program (SLP) ang mag chekeng may kabuuang halaga na 1,665,000.00 pesos.

Narito ang mga samahan na nakatanggap ng tulong pinansayal:

JUAN KALONG SLPA - 375,000.00 PESOS

ANAK NG SAN JUAN SLPA - 255,000.00 PESOS

ANGAT PANGKABUHAYAN SLPA - 195,000.00 PESOS

BAYANIHAN SLPA - 315,000.00 PESOS

SULONG PANGKABUHAYAN SLPA - 225,000.00 PESOS

KAMASA SLPA - 300,000.00 PESOS

Layunin ng programang ito na mabibigyan ng puhunan ang ating mangingisda, mapalago ito at mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay.

Bago pa man ito pormal na bumisita si Provincial Coordinator - SLP Laguna Mr. Conrado L. Amoranto, Jr. at kanyang mga kasamahan upang kamustahin at magbigay ng mensahe sa mga samahan na nabigyan ng pondo.

Maraming salamat po.

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasik"

#OneKalayaan