NEWS
  • 05 Jun, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

YOUTH DEVELOPMENT SEMINAR & SPL SCHOLARSHIP grant release

June 04, 2023

YOUTH DEVELOPMENT SEMINAR

SPL SCHOLARSHIP grant release

Isang mapagpalang gabi, minamahal kong Kalayaeños!

Tunay nga na ang programang ito ay nagsisilbing tulay sa pag abot ng kanilang mga pangarap.Asahan ninyo ang patuloy na suporta ng inyong lingkod at ng pamahalaang bayan sa pagpapaunlad ng mga programa lalong- lalo pagdating sa edukasyon.

Napapaloob sa seminar na ito ang apat na diskusyon na ibinigay ng iba’t- ibang departamento ng ating Pamahalaang Bayan. Ang mga ito ay tiyak na makatutulong at makapagbibigay ng dagdag na kaalaman sa mga tagapakinig.

Ang mga diskusyon at ang mga tagapagsalita ay ang mga sumusunod:

*SMOKING- Dra. Rica P. Pamatmat thru Ms. Edelane R. Acueza (MHO)

*BASURAFFLE- Ms. Reinelsa B. Corpuz (MENRO/MDRRMO)

*PINGGANG PINOY- Ms. Cecilia Flores (MNAO)

*ANTI-BULLYING- Ms. Rochelle Ann Madrazo & Mr. Herben C. Dela Paz (LYDO)

Pasasalamat po sa lahat ng nagsipagdalo at naging tagapagsalita ng naganap na programa. Hangad po natin ang paglago at patuloy na pag-usbong ng ating mga kabataan.

Patuloy po tayong magsasagawa ng mga ganitong uri ng programa sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan . Katuwang ang ating Pangalawang Punong Bayan, Vice Mayor Christopher P. Ramiro at Sangguniang Bayan members gayundin, ang ating Pambayang Administrador, Bb. Kris Anne L. Pesigan.

Mabuhay ang Kabataang Kalayaeño!

#SPL ‘Serbisyo Para sa Lahat’

‘Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit’

#OneKalayaan