NEWS
  • 14 Jun, 2022
  • BY: KALAYAAN LGU

124 TAONG KASARINLAN NG PILIPINAS

Hunyo 12, 2022

124 TAONG KASARINLAN NG PILIPINAS

Isang malayang araw, Bayan ng Kalayaan

Ang inyong lingkod kasama ang ating Pamahalaang Bayan ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Kasarinlan ng Pilipinas 2022 na may temang: 'Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas'. Ang pagdiriwang na ito ay hindi magkakaroon ng katuparan kung hindi dahil sa mga gumanap at tumayong mga mamamahala sa programang ito.

Pasasalamat una sa ating Tourism Operations Officer II, Mr. Herben C. Dela Paz sa pagiging isa sa pinunong abala sa programang ito. Katuwang rin ang ating laging nakasuporta na pambayang administrador, Admin Kris Anne L. Pesigan. Gayundin sa ating mga masisipag na arawan na silang naging kaagapay sa mga palamuti at gayak sa ating Lagumbay Plaza at sa lahat ng ibang pang indibidwal na nakasama natin para sa pagdiriwang na ito.

Pasasalamat pa rin sa mga nakiisa at dumalo. Sa ating mga miyembro ng Sangguniang Bayan, MLGOO VI Juan Paolo S. Brosas, Kalayaan PNP, Kalayaan BFP, SPL Cultural Dancers, Bb. Jonalyn Regodon, Ms. Reinelsa B. Corpuz para sa kanyang mga masisipag na kawani ng tanggapan. Sa ating mga sound operators, Drone personnel, mga maniniyot (photographer), sa ating mga Punongguro at kaguruan ng buong Kalayaan Distrct sa pangunguna ng ating Tagamasid Pampurok, Dr. Bernon Abellera. Sa ating mga Punong Departamento at mga magagawang lokal sa paglalaan ng kanilang mga oras.

Pasasalamat sa mga pamilya na nagpunta upang tanggapan ng Posthumous award para sa ating mga magigiting na Frontliners. Kina Kgg. Dominic Ragas Sr., Kgg. Froilan Reyes at G. Manuel na ating ambulance driver. At huli ay ang pasasalamat kay G. John Viron D. Ferrer, silver medalist- Judo 90kg Men's Division sa SEA Games 2022 sa pagpapaunlak na maging panauhing pandangal.

Muli, walang humpay na pasasalamat sa lahat ng kaisa namin sa pagguhit ng pagdiriwang na ito sa kasaysayan ng ating Bayan ng Kalayaan. Mabuhay ang Malayang bansang Pilipinas! 🇵🇭

#Wagayway2022

#StopAndSalute

#SaluteToACleanFlag

#Kalayaan2022

#MakeItHistoric

#SPL 'SERBISYO PARA SA LAHAT'

'Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit'

#OneKalayaan