NEWS
  • 14 Oct, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐈𝐍𝐂𝐄𝐍𝐓𝐈𝐕𝐄𝐒 (𝐌𝐁𝐀𝐈) 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐕𝐀𝐋𝐈𝐃𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍"

Oktubre 9, 2024

"𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐈𝐍𝐂𝐄𝐍𝐓𝐈𝐕𝐄𝐒 (𝐌𝐁𝐀𝐈) 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐕𝐀𝐋𝐈𝐃𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Noong ika-3 ng Oktubre 2024 ay nagkaroon ng MBAI National Validation. Layon ng MBAI na kilalanin ang mga pamahalaang lokal na nagpapakita nang hindi matatawarang pagganap sa kanilang mandato at tungkulin sa ilalim ng mga batas pangkalikasan kaugnay sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ang bayan ng Kalayaan sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan katuwang ang pangalawang Punong Christopher Ramiro at Sangguniang Bayan Members, Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan, MLGOO Robles Abejon Ma Aurora at sa tanggapan ng MENRO sa pamumuno ni Gng. Reinelsa Barojabo Corpuz at sa kanyang mga kasamahan. Maging sa mga naging presentor Gng. Jhermelyn Boado/Provincial Sanitation Inspector I para sa Liquid Waste Management at Gng. Nirma Fullo Segura/Municipal Assessor - Focal Person ng Informal Settler Families. Lubos din ang pasasalamat sa mga bisita at validators na nagmula sa Provincial Government of Laguna na sina; DILG Laguna Officer-in-Charge Jay Beltran, LGMES, Chief - Brenda E. Caraos, PDO II - Rovi B Ocdamia, LGOO II - Yen Lee N. Lumidao, mula naman sa Regional Office, Kristel Cate V. Francisco - PDO IV, Christian B. Dacanay - PDO III, John Laurence R. Gonzales at DILG IV-A Gilberto L. Tumamac.

Lalong higit sa bumubuo ng National Validation Team ng mga miyembro nito mula sa mandamus agencies tulad ng DILG MBCRPP - Project Management Office, Department of Environment and Natural Resources, Department of Human Settlements and Urban Development, Metropolitan Manila Development Authority, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, National Housing Authority, at Department of Public Works and Highways ang pagsunod ng nasabing Local Government Unit sa mga probisyon ng programa na naglalayong i-rehabilitate at mapanatili ang malinis na kondisyon ng Manila Bay.

Asahan po ninyo na patuloy nating paiigtingin ang mga hakbang tungo sa mas malinis na kapaligiran ng bayan ng Kalayaan.

Maraming Salamat Po!

#spl "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan

#manilabayanihanparasakalinisan