2022 ECOLOGICAL SUMMIT PLAQUE OF RECOGNITION
HULYO 14, 2022
2022 ECOLOGICAL SUMMIT
PLAQUE OF RECOGNITION
Mapagpalang Araw, Bayan ng Kalayaan!
Kasabay ng pagdiriwang ng Environment Month Celebration, ang DENR-EMB CALABARZON region ay nagsagawa ng 'Ecological IEC SWM Summit'.
Nakatutuwa na sa kabila ng kinakaharap na epekto ng pandemya sa bansa, nanatili tayong matatag upang mapangalagaan at patuloy na mapreserba ang ganda ng ating kalikasan.
Dahil dito, ang inyong lingkod, Mayor Sandy P. Laganapan, kasama ang buong Pamahalaang Bayan ng Kalayaan ay ihinahatid sa inyo na ang ating bayan ay muling makatatanggap ng ' PLAQUE OF RECOGNITION: EXEMPLARY PRACTICE IN MATERIAL RECOVERY FACILITY OPERATIONS ' para sa ating mahusayat aktibong implementasyon na mga aktibidad at programa patungkol sa ating kalikasan.
Pagbati rin sa ating Department Head ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) na si Ms. Reinelsa B. Corpuz para sa kanya ring pagtanggap ng sertipiko ng Pagkilala.
Maraming maraming salamat po sa lahat ng nasa likod ng programang ito. Sa DENR-EMB CALABARZON Region sa pagbibigay ng pagkilala para sa aming Bayan. Sa ating MENRO sa inyong patuloy na pagiging masigasig upang patuloy tayong makapagbigay ng iba't ibang pagkilala para sa ating Bayan partikular sa kalikasan. Kasama ang ating mabuting intensyon, patuloy nating gagawin ang lahat upang maipagpatuloy ang pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng kalikasan sa Bayan ng Kalayaan.
#SPL 'Serbisyo Para sa Lahat'
'Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit'