NEWS
  • 01 Aug, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

49th Nutrition Month Celebration na may temang: "Healthy Diet Gawing Affordable for All"

Hulyo 25, 2023

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng 49th Nutrition Month Celebration na may temang: "Healthy Diet Gawing Affordable for All". Kahapon, ika-24 ng Hulyo, bilang kinatawan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan ay personal na nagpaabot ng pagbati at mensahe ang ating Sectoral Officer Angelito Presoris sa isinagawang programang PROMOTE GOOD NUTRITION ng MNAO para sa mga Pregnant and Lactating Mothers.

Adbokasiya ng pagdiriwang ngayong taon ang pagkakaroon ng bawat mamamayan ng mas masustansya, mas ligtas at mas murang pagkain para sa lahat.

Binabati at pinasasalamatan din natin sa okasyong ito ang mga magulang at mga guro ng mga magsisipagtapos sa kanilang mga sakripisyo at walang sawang pag-gabay, dahilan upang marating ng mga bata ang espesyal na araw na ito.

Patuloy ang aking pasasalamat sa ating MNAO sa pamumuno ni Gng. Cecillia Fores, Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher P. Ramiro at sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan-Pesigan sa palagiang pagsuporta at paniniguro ng mga programa at mga ayuda para sa ating mga kababayan.

Maraming salamat.

#SPL"SerbisyoParasaLahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan