NEWS
  • 14 Oct, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

500 benepisyaryo ng programang Food for Work ng DSWD.

Oktubre 11, 2024

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan Member sa pamumuno ni Vice Mayor Christopher Ramiro at ng ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Bb. Aime Magana at ng Sectoral Section Kalayaan Laguna, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng Food Packs sa mahigit 500 benepisyaryo ng programang Food for Work ng DSWD.

Ang programang ito ay nagbibigay ng suportang food pack sa mga indibidwal kapalit ng kanilang community service na may kaugnayan sa disaster preparedness, responce and mitigation.

Maraming salamat po.

#SPL "SerbisyoParasaLahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan