NEWS
  • 11 Jul, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

“ADVOCACY MEETING FOR UNIVERSAL HEALTH CARE WITH LOCAL CHIEF EXECUTIVES HEADED BY THE MUNICIPAL MAYOR, HON. SANDY P. LAGANAPAN”

Hulyo 9, 2024

“ADVOCACY MEETING FOR UNIVERSAL HEALTH CARE WITH LOCAL CHIEF EXECUTIVES HEADED BY THE MUNICIPAL MAYOR, HON. SANDY P. LAGANAPAN”

Office of the Mayor

Isang Advocacy Meeting ang isinagawa sa pangunguna nina Mayor Sandy Laganapan, Vice-Mayor Christopher Ramiro", at ng Municipal Health Officer na si Dr. Rica Abadier Paraiso-Pamatmat. Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan din ni Sangguniang Bayan Committee on Health Hon. Darwin Ponce, Engr. Juvy Robina Ragas (Municipal Planning and Development Officer), Eds Nadal Sadsad (Municipal Budget Officer), Aime Magana (Municipal Social Welfare and Development Officer), Edelane Ratac Acueza (Public Health Nurse), at Ma. Jene Ragasa (Health Education and Promotion Officer II).

Layunin ng pagpupulong na pag-usapan ang Universal Health Care (UHC) Law na tinalakay ng mga estudyante ng Master of Public Health mula sa University of the Philippines Manila- College of Public Health sa pangunguna ni Dr. Vicente Belizario, Jr., Professor at Former Dean ng University of the Philippines Manila-College of Public Health.

Ang UHC ay naglalayong bigyan ang lahat ng Filipino ng de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan nang walang pangamba sa gastusin. Ang mga Rural Health Units ay kinakailangang mag-apply para sa PhilHealth Accreditation.

Ang Kalayaan Rural Health Unit ay kasalukuyang nasa proseso ng aplikasyon para sa PhilHealth Accreditation. Sa tulong ng local government unit, sa pangunguna ni Mayor Sandy Laganapan at Vice-Mayor Christopher Ramiro, ay inaasahang makakamit ang nasabing PhilHealth accreditation sa kasalukuyang taon. Sa pamamagitan nito ay matutulungan ang mga mamamayan ng Kalayaan upang makamtan ang kalusugang pangkalahatan.