NEWS
  • 17 Aug, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Ang LGU-Kalayaan at ang Nutrition Office ay pinarangalan ng GREEN BANNER SEAL OF COMPLIANCE (1st Year) sa 2023 CALABARZON Regional Nutrition Awarding Ceremony (RNAC)

Agosto 05,2023

2023 CALABARZON REGIONAL NUTRITION AWARDING CEREMONY (RNAC)

Isang mapagpalang hapon,minamahal kong Kalayaeños!

Noong ika- 01 ng Agosto, Ang LGU-Kalayaan at ang Nutrition Office ay pinarangalan ng GREEN BANNER SEAL OF COMPLIANCE (1st Year) sa 2023 CALABARZON Regional Nutrition Awarding Ceremony (RNAC) na ginanap sa Seda, Nuvali, Evozone Avenue, Santa Rosa City, Laguna.

Ibinibigay ang parangal na ito sa pamamagitan ng pag evaluate ng Regional Nutrition Evaluation Team (RNET) gamit ang Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) PRO tool.

Ang parangal na ito ay bunga ng ating sama-samang pagsusumikap at pagtutulungan.Nawa ay gamitin natin itong inspirasyon upang mas lalo pang pagbutihin ang ating pagseserbisyo sa ating mga kababayang kalayaeños lalo't higit sa usapin sa nutrisyon.

Pasasalamat sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan bilang kinatawan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan at MNAO Cecilia Flores sa pagtanggap ng parangal. Gayundin sa ating butihing Gobernador Gov. Ramil L. Hernandez , Congresswoman Jam Agarao at Gng. Teresita Ramos.

Muli,maraming salamat.

#SPL "Serbisyong Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan