NEWS
  • 02 Jul, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

ARBOR DAY 2023 "Para sa magandang bukas, magtanim ng mas maraming puno at gawing mas magandang tirahan ang mundong ito."

June 30, 2023

ARBOR DAY 2023

"Para sa magandang bukas, magtanim ng mas maraming puno at gawing mas magandang tirahan ang mundong ito."

Isang mapagpalang,araw minamahal kong Kalayaeños!

Ginanap ngayong araw ang Arbor Day Celebration sa pangunguna ng ating Municipal Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni Gng. Reinelsa Barojabo Corpuz ang tree planting activity na ginanap sa SITIO SAN ISIDRO BARANGAY LONGOS. Na dinaluhan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan na ang layunin ng Tree Planting Activity na ito ay itaas ang kamalayan ng lipunan sa kahalagahan ng pagtatanim at pagliligtas ng mga puno, upang maipahayag ang ating pagmamalasakit sa kapaligiran.

At ito ay may kabuuang bilang na 500 piraso ng pananim na kape at kakaw, na itinanim sa lupang may lawak na 2,000 ektarya sa Sitio San Isidro Brgy. Longos Kalayaan, Laguna. Katuwang ang Municipal Solid Waste Management Board, Red Ladies at MENRO.

Pasasalamat sa lahat ng mga volunteers na nakiisa sa ganitong aktibidad. Mabuhay po kayo!

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan