"BAKUNAHAN LABAN SA POLIO SA BRGY. SITIO KALAYAAN"
Hunyo 03, 2024
"BAKUNAHAN LABAN SA POLIO SA BRGY. SITIO KALAYAAN"
Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!
Ikinagagalak ng inyong lingkod na ibalita na umabot na sa 87 Chikiting ang nabakunahan laban sa Polio sa Brgy. San Antonio Sitio Kalayaan.
Ito ay dahil sa ating masisipag na Health care workers, Nurses, midwives at mga BHW upang tiyakin na walang batang maiiwan na hindi nababakunahan ng Polio.
Ang ating Municipal Health Office ay patuloy na sisiguraduhing ligtas ang lahat ng bata sa Kalayaan laban sa Polio.
ILIGTAS SI CHIKITING!
Ang polio ay posibleng magdulot ng kapansanan o pagkamatay kapag hindi naagapan. Bakuna ang tanging solusyon!
Pabakunahan ang inyong mga anak na wala pang limang taong gulang ng dagdag bakuna kontra rubella, polio, at tigdas.
Malaki ang pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrado Kris Anne Laganapan Pesigan sa masisipag na empleyado ng ating Rhu Kalayaan Laguna.
Maraming salamat po!
#SPL Serbisyo Para sa Lahat
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"