NEWS
  • 08 Apr, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

BARANGAY LONGOS NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM AT PRENATAL CHECK-UP

April 08, 2024

BARANGAY LONGOS

NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM AT PRENATAL CHECK-UP

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Bilang isa sa pangunahing layunin ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan ay maalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayang Kalayaeños, kaya noong ika- 03 ng Abril 2024 ay nagsagawa ang ating Rhu Kalayaan Laguna sa pamumuno ni Dr. Rica Paraiso Pamatmat ng mga sumusunod:

Mga Bakunanay at PapaVaccine! Protektahan si baby laban sa mga vaccine preventable diseases tulad ng

• Measles

• Rubella

• Polio

• Pertussis

• Dipterya

• Hepatitis B

• Tuberculosis

• Meningitis

• tetanus

• H influenza B

• pneumococcal diseases

Kumpletuhin ang bakuna ni baby bago siya mag-isang taong gulang, ayon sa Immunization schedule. Limang bisita lang sa health center bago mag-isang taon si baby, kumpleto na ang bakuna niya.

Siguraduhing walang batang mao-ospital o mamamatay dahil sa sakit na kayang maiwasan sa tulong ng bakuna. Pumunta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

Kapag Bakuna ay Kumpleto, Lahat Tayo ay Protektado!

Mananatili po akong kaiisa sa mga proyektong tulad nito kung saan lubos na makakatulong upang kalusugan ng ating mga mamamayan ay maingatan.

Maraming salamat

#DOH #DepartmentOfHealth #Health #OneDOH #BawatBuhayMahalaga #BagongPilipinas #8PointActionAgenda #WIW2024 #GetVaccinated

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan