NEWS
  • 22 Dec, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

BENEPISYARYO NG PATIENT TRANSPORT VEHICLE/AMBULANCE

Disyembre 17, 2023

BAYAN NG KALAYAAN!

BENEPISYARYO NG PATIENT TRANSPORT VEHICLE/AMBULANCE SA ILALIM NG PROGRAMA NG PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Isang mapagpalang Linggo,minamahal kong Kalayaeños!

Kahapon, ika- 16 ng Disyembre 2023. Dinaluhan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Vice-Mayor Christopher Ramiro,Municipal Health Officer Dr. Rica P. Pamatmat ang Ceremonial Turnover of Patient Transport Vehicle Cum Signing of Deed of Donation kasama sina General Manager Hon. Melquiades A. Robles ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Atty. Marissa O. Mendrano,Manager, Charity Assistance Department at iba pang mga PTV Beneficiaries.

Ang PTV na ito ay malaki ang maitutulong sa ating bayan upang mapahusay ang paghahatid ng mga SERBISYONG PANGKALUSUGAN,lalo na sa mabilisang pagresponde tuwing may emergency o aksidente.

Taos pusong pasasalamat ng ating Lokal na Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng inyong lingkod sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Maraming salamat po.

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

#OneKalayaan