NEWS
  • 08 Aug, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"BLESSING OF COA,COMELEC, & DILG OFFICE"

Agosto 06, 2024

"BLESSING OF COA,COMELEC, & DILG OFFICE"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Ngayung araw dumalo ang inyong lingkod sa pag papasinaya ng mga bagong opisina ng COA,COMELEC AT DILG ng ating bayan, ang pagpapasinaya ay isinagawa ni Rdo. Padre Pablo T. Bugay Jr. at ito ay dinaluhan ng ating mga pinunong departamento at mga kawani ng pamahalaan.

Mahalaga ang pagpapasinayang ito upang ng sa gayon ang mga mananahan sa mga opisinang ito ay mabigyan ng gabay at kagalingan sa pagseserbisyo sa ating mamamayan na mag mumula sa ating butihing Panginoon.

Kaya naman patuluy ang pag pupursigi ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan na mas mapaganda at mapaayos ang ating minamahal na bayan ng Kalayaan.

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#ONEKALAYAAN