NEWS
  • 18 Jul, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

CENTENARIAN CASH GIFT PARA KAY LOLA ESTHER B.TEODORO

Hulyo 18,2023

CENTENARIAN CASH GIFT PARA KAY LOLA ESTHER B.TEODORO

Isang makabuluhan at makasaysayang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Sa dedikasyon ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan at MSWDO Gng. Aime Magana ay personal na nagtungo sa ating isang kababayan na mula sa Barangay San Juan Kalayaan,Laguna.

Sa bisa ng Batas Republika 10868 "Centenarians Act of 2016" ang Centenarian ng ating bayan na si Gng. Ester B. Teodoro na nagdiwang ng ika-100 taong kaarawan sa taong kasalukuyan, ay nakatanggap ng Letter of Felicitation mula sa Pangulo ng Pilipinas. Kgg. Ferdinand R. Marcos at cash gift na nagkakahalagang P100,000.00 na ipinagkaloob ng Kagawarang Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan.

Natutuwa kaming makita kang muli ang iyong maganda at masayang ngiti,Hangad ng inyong lingkod ang maayos na kalusugan at mas masaya pang buhay para sayo.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan