NEWS
  • 01 Jun, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

CHIKITING LIGTAS" Sa dagdag bakuna kontra Polio, Rubella at Tigdas

May 31,2023

"SERBISYONG PANGKALUSUGAN

CHIKITING LIGTAS" Sa dagdag bakuna kontra Polio, Rubella at Tigdas

Isang mapagpalang umaga,minamahal kong Kalayaeños!

Bilang isa sa prayoridad ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan ang "Serbisyong Pangkalusugan" ang ating mga kawani mula sa Tanggapan ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Rica P. Pamatmat ay buong pwersang isinagawa ang programang Chikiting Ligtas o ang pagbabakuna kontra sa sakit na tigdas, polio at rubella sa mga bata ng bawat Barangay ng ating Bayan.

Layunin ng programang ito na mapigilan ang pagkalat ng mga sakit na ito.Kaya lubos ang pasasalamat ng inyong lingkod sa pagbibigay at pagsusumikap ng buong pusong paglilingkod para sa mas ligtas at malusog na Bayan ng Kalayaan.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan