Community Based Disease Surveillance (CBDS) system
Hulyo 27,2023
Mapayapa, ligtas at malusog na araw ang sumaatin lahat!
Ang Tanggapan po ng Municipal Health Office, sa tulong po ng Community Based Disease Surveillance (CBDS) system ay agarang naka pag-analisa at gumawa ng mga hakbangin, upang mapigilan at masugpo, ang pag dami ng kaso ng Diarrhea sa Brgy. San Antonio.
Agad na nag patawag Ang ating Pambayang Manggagamot ng technical assistance mula sa Provincial Health Office at Regional Health Office, upang maging kaagapay ng ating pamahalaan na dagliang masugpo ang pag dami ng kaso.
Kung kaya't Ako bilang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama si Vice-Mayor Christopher P. Ramiro at Ang Sangguniang Bayan ay nakiki usap na huwag po tayong mag self medication, bagkus ay agarang komunsulta sa ating mga Brgy. Health Station at Rural Health Unit, upang mabigyan agaran at tamang lunas, Ang inyong mga karamdaman.
Kung kaya't muli po natin pinondohan ang pag bibigay ng health updates sa ating mga Barangay Health Workers, na siyang pangunahing katulong ng ating bayan sa pag tugon sa pangangailangan pang Kalusugan ng ating bayan.
Paumanhin po sa aking mga kabarangay sa Brgy. San Antonio,
Huli man daw ay kakailanganin pa rin sa mga darating na panahon, ang kanilang mga bagong natutuhan.
Maraming Salamat din po sa DSO ng DOH, Sir Elcid Galema at Sir PJ. At Kay ABC President Kap. Giana Maria Rabin Cagandahan sa pag papaunlak na maging mga taga- pagsilita, at sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa patuloy na pag papadaloy ng mga programa para sa ikabubuti at ikagaganda ng ating munting bayan.
Muli ang malasakit ko sa ating bayan, ay patuloy at para sa lahat.
#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"